Pang. Marcos nanindigang hindi makikipagtulungan sa ICC investigation

Pang. Marcos nanindigang hindi makikipagtulungan sa ICC investigation

Banta sa soberanya ng Pilipinas ang pagpasok ng mga miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ulat na dumating na sa Pilipinas ang ilang miyembro ng ICC para ipagpatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.

“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not— I find— I consider it as a threat to our sovereignty, therefore, the Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pero paglilinaw naman ni Marcos, maaari namang magtungo sa bansa ang mga miymbero ng ICC bilang ordinaryong tao.

Gayunman, hindi aniya makikipagtulungan ang anumang ahensya ng gobyerno kung sila ay pupunta sa bansa para mag-imbestiga.

Bukod kay dating Pangulong Duterte, kasama rin sa kaso si Senador Ronald dela Rosa dahil ang mambabatas ang nakaupong hepe ng Philippine National Police (PNP) habang ipinatutupad ang anti-drug war campaign. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *