Pang. Marcos sa usapin ng Charter Change: Let the Comelec do their work

Pang. Marcos sa usapin ng Charter Change: Let the Comelec do their work

Hahayaan na muna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Commission on Elections (Comelec) na gawin ang trabaho nito na berepikahin ang pirma ng mga residente na pumabor umano sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na tiyak na hindi tatanggapin ng Comelec ang pirma kung may kaakibat na bayad.

Una nang naiulat na ginagamit ang pinansyal na ayuda ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at medical assistance ng Department of Health (DOH) kapalit ng pirma para sa Cha-Cha.

Binalak ni Pangulong Marcos na itigil na muna sana ang pagbibigay ng ayuda para hindi kinwestyon ang Cha-cha subalit hindi rin naman itinuloy ang naturang plano.

Ayon sa pangulo, hindi makatutulong na ihinto ang mga ayuda lalo na at marami ang nangangailangan. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *