Mga halal na opisyal ng barangay pinapayagang lumahok sa People’s Initiative base sa resolusyon ng Comelec

Mga halal na opisyal ng barangay pinapayagang lumahok sa People’s Initiative base sa resolusyon ng Comelec

Nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sa ilalim ng COMELEC Resolution, ang mga elected barangay official ay maaaring lumahok sa partisan political activities kabilang ang pagsasagawa ng signature drive para sa People’s Initiative.

Ayon kay Abalos, kung pagbabatayan ang Comelec Resolution lumilitaw na maaaring makiisa sa People’s Initiative ang mga halal na opisyal ng barangay.

Pero ani Abalos, kailangan pang linawin ng DILG sa Comelec ang lawak o kung hanggang saan ang pinapayagang partisipasyon ng mga opisyal ng barangay.

Kasama aniya sa kailangang linawin ay kung maaari bang gamitin ang mga barangay hall para sa nasabing mga aktibidad.

Ani Abalos masyadong sensitibo ang usapin kaugnay sa People’s Initiative kaya umapela siya sa mga opisyal ng DILG na maging maingat sa paglalabas ng mga pahayag hinggil dito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *