LTO pinag-aaralan na ang mandatory registration sa e-bikes

LTO pinag-aaralan na ang mandatory registration sa e-bikes

Pinag-aaralan na ng Land Transportation Office (LTO) ang mandatory registration sa lahat ng uri electronic bikes o e-bikes.

Bunsod ito ng dumaraming bilang ng mga e-bikes sa lansangan na nasasangkot sa aksidente.

Base sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakapagtala ng 556 na aksidente na kinasangkutan ng e-bikes sa Metro Manila simula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, hindi obligado ang mga may-ari ng e-bike na iparehistro ang mga ito, hindi rin kailangan ng driver’s license ng mga nagmamaneho ng e-bike.

Ayon kay LTO chief Asst. Sec. Vigor Mendoza sa kasalukuyang regulasyon, kung ang takbo ay mas mababa sa 25 kilometers per hour, hindi ito kailangang iparehistro.

Dahil dito, ani Mendoza, bubuo sila ng panukala para maiparehistro ang mga e-bike anuman ang bilis ng takbo nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *