Pangulong Marcos iniutos ang reorganization ng NICA

Pangulong Marcos iniutos ang reorganization ng NICA

Naglabas ng Executive Order ang Malakanyang para sa reorganization ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ito’y upang palakasin ang intelligence gathering and analysis ng NICA para matiyak ang pambansang seguridad at isulong ang national interest.

Sa tatlong pahinang EO No. 54 na primado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangang i-reorganize ang NICA para maka-adapt sa nagbabagong mga banta sa national security.

Kailangan umanong paigtingin ang internal at external coordination sa foreign at domestic counterparts.

Bilang pangunahing bahagi ng reorganization, itatatag ang Office of the Deputy Director General (ODDG) for Cyber and Emerging Threats.

Tungkulin nito na magbigay ng direksyon sa pangkalahatang pagpaplano, pangangasiwa at koordinasyon ng NICA sa counter-intelligence at counter-measures laban sa cybersecurity threats, weapons of mass destruction, at iba pang banta.

Ang ODDG for Cyber and Emerging Threats ay pamumunuan ng Deputy Director General na may ranggong Assistant Secretary at itatalaga ng Presidente.

Bubuuin ito ng Directorate for Counterintelligence and Security (DCS) at Directorate for Cyber Intelligence and Countering Weapons of Mass Destruction (DCCWMD). (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *