Pope Francis umapela ng agarang pagpapalaya sa anim na madre at iba pang biktima ng kidnapping sa Haiti

Pope Francis umapela ng agarang pagpapalaya sa anim na madre at iba pang biktima ng kidnapping sa Haiti

Nanawagan si Pope Francis ng agarang pagpapalaya sa grupo ng mga indibidwal na binihag sa Haiti.

Kabilang sa biktima ng kidnapping ang anim na madre.

Hiniling din ng Santo Papa sa bawat isa na ipagdasal ang paghinto ng karahasan.

“I have learned with sorrow of the kidnapping, in Haiti, of a group of people, including six religious sisters: in my heartfelt plea for their release, I pray for social concord in the country, and I invite everyone to bring an end to the violence,” ayon sa Santo Papa.

Nangyari ang insidente noong Jan. 19 sa Port-au-Prince.

Ang mga madre na kasapi ng Congregation of the Sisters of St. Anne kasama ang ilan pang indibidwal ay sakay ng bus ng sila ay dukutin.

Hindi pa tukoy ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *