Mahigit 5,000 pamilya na naapektuhan ng lindol sa Sarangani Province tumanggap ng cash assistance mula sa DSWD
Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi nt Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani Province.
Mahigit 5,000 pamilya mula sa mga bayan ng Alabel, Malapatan at Glan ang nakatanggap na ng benepisyo sa ilalim ng ECT program.
Ang mga pamilya na ang bahay ay totally damaged dahil sa lindol ay tumanggap ng P27,180 habang P13,590 naman para sa partially damaged houses.
Ayon sa DSWD, ang nasabing halaga ay tulong sa mga pamilya na nasalanta ng lindol sa kanilang muling pagbangon at pagpapakumpuni ng kanilang nasirang tahanan. (DDC)