Sen. Jinggoy Estrada pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder; pero guilty sa kasong bribery

Sen. Jinggoy Estrada pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder; pero guilty sa kasong bribery

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada sa kinakaharap nitong kasong plunder kaugnay sa umano ay pagkakasangkot niya sa multi-billion peso na pork barrel scam.

Sa isinagawang promulgation sa kaso ng Senador NOT GUILTY ang hatol kay Estrada sa kasong plunder.

Gayunman, napatunayang GUILTY ng korte si Estrada para sa kinakaharap nitong kasong direct bribery at 2 counts ng kasong indirect bribery.

Parusang 8 hanggang 9 na taon na pagkakabilanggo ang kakaharapin ni Estrada para sa direct bribery case at 2 hanggang 3 taon na pagkakabilanggo naman para sa mga kasong indirect bribery.

Ayon sa abogado ni estrada na si Atty. Alexis Abastillas Suarez, pag-aaralan muna nila ang naging pasya ng korte bago magdesisyon sa susunod na hakbang para sa bribery case.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay ilegal na paggamit ni Estrada sa kaniyang pork barrel funds noong 2004 hanggang 2010. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *