Sigla ng Ilog Pasig muling bubuhayin ng Marcos admin
Bibigyang-buhay muli ng pamahalaang Bongbong Marcos ang Pasig River ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, ang isinagawang Pasig River Ferry tour magmula sa Guadalupe Station hanggang Escolta Station.
Sinabi ng kalihim na bahagi ito ng pag-inspeksyon sa Ilog Pasig para sa isasagawang Pasig River Urban Development Project ng administrasyong Marcos.
Layunin ng proyekto na maibalik ang kagandahan at sigla ng ilog para makapagbigay ng alternatibong transportasyon, pasiglahin ang mga oportunidad pang-ekonomiya at palakasin ang turismo.
“Alinsunod sa proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos, tiniyak natin na matutugunan din ang problema ng iligal na pagtatapon ng mga basura at kemikal sa pamamagitan ng mga programang nagpapanatili ng kalinisan ng ilog,” ayon kay Sec. Abalos. (Bhelle Gamboa)