Publiko pinag-iingat sa pekeng pabango na ibinebenta sa merkado

Publiko pinag-iingat sa pekeng pabango na ibinebenta sa merkado

Pinag-iingat ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang publiko sa mga pekeng pabango na ibinebenta sa merkado.

Ayon sa grupo ang nasabing mga pekeng pabango ay maaaring nagtataglay ng kemikal na delikado sa kalusugan.

Sa ginawang market monitoring kamakailan, natuklasan ng BAN Toxics ang pagbebenta ng mga murang imitated perfumes na ang presyo ay P50 hanggang P180.
Ginaya ang packaging ng mga kilalang brand ng pabango para mas maging kaaya-aya sa mga mamimili.

Ayon sa Intellectual Property Office of the Philippines ang mga pabango at beauty products ang pumapangalawa sa most counterfeited goods sa bansa.

Sinabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ang pagbili ng mga cosmetic products na ginagamitan ng fragrances at walang proper authorization ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

May mga kemikal kasi na ginagamit na sangkap sa mga ito na pwedeng magdulot ng skin irritation, pangangati at iba pa.

Una ng nag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng health advisories sa pagbili ng mga hindi otorisadong cosmetic products gaya ng pabango.

“As part of our safe cosmetics campaign, we’re committed to monitoring and reporting the unauthorized sale of unregistered and unnotified personal care products in both on-site and online markets. To protect human health and the environment from chemical exposure is our advocacy,” ani Dizon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *