Sistema sa Maritime Industry pinaaayos ni Pang. Marcos para makasabay sa global standards

Sistema sa Maritime Industry pinaaayos ni Pang. Marcos para makasabay sa global standards

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Maritime Industry Authority (MARINA) na magpatupad ng standardization sa Philippine maritime industry para makasabay sa global standards.

Ayon kay MARINA chief Sonia Malaluan sa ilalim ng panukalang Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP 2028), sinabi ng pangulo na ang unang hakbang para makapagpatupad ng reporma sa maritime industry ay gawing standardize ang operasyon ng industrya para makasabay sa international standards.

Sa inilatag niyang presentation kay Pang. Marcos hiniling ni Malaluan ang pag-apruba ng pangulo sa updated MIDP 2028 na layong magkaroon ng mas matatag at reliable na Philippine Merchant Fleet.

Kabilang dito ang modernisasyon at pagpapalawak sa Philippine domestic shipping, promotion at expansion ng Philippine overseas shipping, modernization ng Philippine shipbuilding at ship repair industry at promotion ng mga highly skilled Filipino at competitive maritime workforce.

Sa obserbasyon ng pangulo, karamihan sa umiiral na rules and operations sa maritime industry ay obsolete na.

Sinabi din ng pangulo na masyadong mahal ang singil sa shipping sa bansa kumpara sa ibang mga bansa.

Aniya mas mura pang magpa-ship ng cargo patungong Pilipinas galing abroad gaya ng Hong Kong kaysa ang magpaship ng cargo mula Manila patungong General Santos City.

Ayon naman sa Marina ang mga barko na may international routes ay mas malalaki kaya mas mababa ang kanilang travel cost at fares. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *