Mga dayuhang manggagawa sa Taiwan pagkakalooban na ng multiple entry visa

Mga dayuhang manggagawa sa Taiwan pagkakalooban na ng multiple entry visa

Mas pinagaan ng Taiwan immigration ang pagtanggap sa mga dayuhang manggagawa sa pamamagitan ng pagpayag na makakuha sila ng multiple entry visa.

Ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), base sa ulat ni Director David Des Dicang ng Migrant Workers Office sa Kaohsiung inaasahang mahigit 150,000 overseas Filipino workers sa Taiwan ang makikinabang sa bagong polisiya.

Ayon kay MECO chairman Silvestre H. Bello III, malaking tulong ito para makabawas sa hirap at gastusin ng mga OFW sa pagproseso ng kanilang dokumento.

Sinabi ni Dicang na ang mga nakabaksyong OFWs ay kailangang impormahan ang kanilang Taiwan Manpower Agencies (Brokers) tatlong linggo bago ang kanilang scheduled departure para magkaroon ng pagkakataon na mapalitan ang kanilang R.O.C., at Resident Certificate (ARC) kung saan lalagyan na ng multiple re-entry visa.

Sa sandaling makansela ang work permit ng OFW, kanselado na din ang kaniyang reentry permit.

Bago ang nasabing polisya, ang mga dayuhang manggagawa sa Taiwan ay hindi pinapayagan na maisyuhan ng multiple re entry permits. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *