Bilateral relations ng Pilipinas at Brazil, palalakasin ni Pang. Marcos
Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Brazil.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa presentation of credentials ng bagong talagang Brazilian Ambassador-designate na si Gilberto Fonseca Guimarães de Moura sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Marcos, isa ang Brazil sa pinakamahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa technical cooperation, agriculture, trade at investment, defense, at environmental protection mula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1946.
Sinuportahan din ni Pangulong Marcos ang hosting ng Brazil sa 30th Session of the Conference of the Parties (COP30) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) sa 2025.
“Brazil is a powerful voice in marshaling collective action towards the protection of the environment and addressing the effects of climate change, which is the foremost existential threat to our species today. We look forward to your hosting of the 30th Session of the Conference of the Parties (COP30) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) in 2025,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang principles ng United Nations at iba pang multilateral fora.
“We also count on our continued reciprocal support for each other within the ambit of the United Nations and other multilateral fora,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“I wish you an enjoyable and fulfilling stay here in our country and I hope you will experience the warm hospitality of the Filipino people,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Bilang tugon, nangako naman ang Brazilian ambassador na susuportahan ng kanilang bansa ang Pilipinas.
Ipagdiriwang ng Pilipinas at Brazil ang ika-78 diplomatic relations sa Hulyo ngayong taon. (Chona Yu)