Presyo ng sibuyas hindi tataas dahil sa napesteng pananim sa Nueva Ecija

Presyo ng sibuyas hindi tataas dahil sa napesteng pananim sa Nueva Ecija

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na hindi tataas ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na araw.

Ito ay kahit na tinamaan ng peste ang pananim ng sibuyas sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maliit na porsyento lamang ang tinamaan ng peste.

Gayunman, inamin ni Laurel na mababawasan ang suplay ng sibuyas dahil sa nangyari sa Nueva Ecija pero hindi ito sapat na rason para tumaas ang presyo nito.

Pinag-aaralan na aniya ng DA ang insidente kung paano matutulungan ang mga magsasaka at hindi na ito maulit.

Sa ngagyon, bibigyan na muna aniya ng DA ng buto at binhi at pesticides ang nga apektadong magsasaka para makapagsimulang muli.

Sa kasalukuyan, nasa P100 hanggang P120 ang presyo ng sibuyas kada kilo. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *