Publiko binalaan ng DOH sa ipinakakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalan ni Sec. Ted Herbosa
Publiko binalaan ng DOH sa ipinakakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalan ni Sec. Ted Herbosa
Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pekeng social media accounts gamit ang pangalan ni Sec. Teodoro Herbosa.
Ayon sa DOH, mayroong lumikha ng pekeng Facebook account gamit ang pangalang “Ted Herbosa” at gamit din ang larawan ng kalihim.
Sinabi ng kagawaran na hindi pag-aari ni Herbosa ang nasaning pekeng account.
Anumang pahayag, komento at transaksyon gamit ang nasabing account ay hindi mula sa DOH secretary.
Paalala ng DOH sa publiko, maging mapagmatyag at maging maingat sa mga pinagkukuhanan ng impormasyon. (DDC)