DA hindi pa rin sumusuko sa target na maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas

DA hindi pa rin sumusuko sa target na maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas

Hindi pa rin susukuan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na matupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Laurel na puspusan ang interventions o hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.

Halimbawa na ang pagpapatayo ng farm to market roads at ng mga storage facility.

Nasa 1.2 milyon na sakahan pa aniya ang walang irigasyon at kailang ng P1.2 trilyong pondo.

Sabi ni Laurel, mas maganda na may target na kailanggang abutin ang pamahalaan para maibaba ang presyo ng bigas.

Kapag nagawa aniya ang mga interventions, bababa ang presyo ng bigas ng hanggang 5 porsyento.

Sa ngayon kasi aniya, nakapadepende sa world market ang presyo ng bigas sa bansa. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *