Pagbabayad ng business at real property taxes sa QC mas madali na para sa mga residente
Mas pinadali na ng Quezon City local government ang pagbabayad ng business at real property taxes.
Sa Quezon City Journalist Forum, sinabi ni Business Permit and Licensing Division Chief Margie Santos na hindi na kailangan na maranasan ang mahabang pila sa pagbabayad ng buwis dahil online payment na ang pinaiiral ng lokal na pamahalaan.
Katunayan, sinabi ni Santos na nasa 69,000 business establishments na ang nagpapa-renew ng kanilang mga permits.
Sinabi naman ni Atty. Carlo Calingasan ng City Treasurer’s Office na noong nakaraang taon lamang, nasa P35 bilyong buwis ang nakolekta ng lungsod dahilan para mabgyan ang lokal na pamahalaan ng P1.9 bilyong surplus.
Target aniya ngayon ng lokal na pamahalaan na makakolekta ng P39 bilyong buwis sa pamamagitan ng digitalization.
Malaking bulto aniya ng nakolektang buwis sa mga residente ay dahil sa retailing.
“It also include tracking the performance of our people like our evaluators.We can monitor their performance level and output,” pahayag ni Santos.
Sinabi naman ni Angelbert Apostol, pinuno ng Public Affairs and Information Services Division na ang mga nakokolektang buwis ay ginagamit sa social services para sa disadvantage sectors gaya ng senior citizens, informal settlers families at iba pa.
“When your chief executive adheres to good governance. Everything follows. Taxpayers knew were their payments go,” pahayag ni Apostol. (Chona Yu)