Presyo ng bottled water sa Baguio City binabantayan; ilang negosyante posibleng samantalahin ang nararanasang diarrhea outbreak sa lungsod

Presyo ng bottled water sa Baguio City binabantayan; ilang negosyante posibleng samantalahin ang nararanasang diarrhea outbreak sa lungsod

Masusing binabantayan ang presyo ng bottled water sa Baguio City dahil sa posibilidad na samantalahin ng mga negosyante ang diarrhea outbreak sa lungsod.

Kumilos na ang Department of Trade and Industry (DTI) para mapalakas ang monitoring sa presyo ng bottled water sa kasunod ng mga ulat na tumaas ang halaga ng mga ito dahil na rin sa mas mataas na demand bunsod ng acute gastroenteritis outbreak sa lungsod.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakatanggap sila ng mga ulat ng pagtaas ng presyo ng bottled mineral water.

Binalaan naman ni Magalong ang mga nagtitinda at mga establisyimento na nananamantala sa nararanasang outbreak.

Ayon kay DTI Baguio-Benguet Consumer Protection Division Ralph Altiyen, nakapagsagawa na ng random inspection sa ilang mga tindahan.

Magpapatuloy aniya ito para matiyak na protektado ang mga consumer laban sa mga mananamantalang negosyante.

Umapela naman ang DTI at ang city government appealed sa publiko na magsumbong kung mayroon silang mabibiling sobrang taas na presyo ng bottled water.

Maaaring tumawag sa DTI hotlines na 665-3526 at 09178171743. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *