13 crew ng tumagilid na barko sa Zamboanga del Norte, naligtas

13 crew ng tumagilid na barko sa Zamboanga del Norte, naligtas

Labingtatlong crew ang nailigtas makaraang tumagilid ang sinasakyan nilang barko sa karagatan ng Bayangan Island, Zamboanga del Norte.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa hindi magandang lagay ng panahon ay tumagilid ang M/V Star Sabang.

Nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Salug mula sa kapita ng barko na si Zamcebar Cutaran at inulat nito ang insidente.

Lulan ng M/V Star Sabang ang tinatayang 170 tons ng semento at galing ito ng Cebu patungo ng Zamboanga.

Agad namang umasiste ang mga tauhan ng quick response team ng PCG katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Managemet Office (MDRRMO) ng lugar at nagsagawa ng rescue operation.

Ayon sa PCG, pawang nasa maayos na kondisyon ang naligtas na 13 crew ng barko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *