Modern condominium-type building itatayo sa San Juan para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng pamahalaan
Nakatakdang magtayo ng modern condominium-type building sa San Juan City na magiging bahagi ng housing project ng pamahalaan sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH).
Binisita ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos kasama si Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar ang lugar na pagtatayuan ng pasilidad sa lungsod.
Ito ay sa bahagi ng F. manalo St. Brgy. Batis.
Kasama din sa inspeksyon sina Metro Manila Development Authority Chairperson Don Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Ayon kay Abalos ang 4PH ay programa ng Marcos administration para sa mga mamamayan na walang tirahan.
Ang itatayong pabahay sa San Juan ay may lawak na 2,624 square-meter at mayroong 549 na kabuuang residential units na may average size na 28 square meters.
Ipatutupad dito ang rent-to-own scheme na babayaran sa loob ng 25 hanggang 30 taon. (DDC)