131 specialty centers naipatayo sa ilalim ng Marcos admin

131 specialty centers naipatayo sa ilalim ng Marcos admin

Nasa 131 na specialty centers sa buong bansa ang naipatayo na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hanggang noong Disyembre 2024.

Sa video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nasa P11.12 bilyong pondo ang inilaan para sa naturang programa.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang Department of Health (DOH) na magtatag ng specialty centers sa mga ospital at state controlled specialty hospitals sa bawat rehiyon.

Pinabibigyang prayoridad ang cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care at kidney transplant, brain at spine care, trauma care at burn care.

Prayoridad din ng specialty centers ang orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease at tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, and ear, nose, at throat care.

Ibinida rin ni Pangulong Marcos ang Doctors to the Barangays program kung saan 91 porsyento sa mga munisipalidad ngayon ay mayroon nang medical doctors.

Itinatag ang naturang programa noong 1990s na layuning mag-supply ng doktor sa mga munisipalidad na walang medical professionals. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *