PUV modernization program hindi magdudulot ng pagsirit ng singil sa pasahe – LTFRB

PUV modernization program hindi magdudulot ng pagsirit ng singil sa pasahe – LTFRB

Walang basehan ang ipinapalutang ng ilang grupo na aabot sa P50 ang minimum na pamasahe dahil sa isinusulong na modernization program sa mga pampublikong sasakyan.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Office of Transportation Cooperatives chairman Jesus Ferdinand Ortega na walang basehan ang naturang ulat.

Paliwanag nito, 2017 pa mayroong modern jeepneys at mula noon hanggang ngayon ay dalawang piso lang ang diprensya ng pamasahe dito at sa traditional jeepneys.

Dagdag ni Ortega, pagtaas sa presyo ng langis lang ang madalas na basehan ng taas-pasahe.

Sa panig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, sinabi ni Atty. Zona Russet Tamayo, Regional Director ng LTFRB-NCR na hindi lang ahensya ang nagdedesisyon sa taas-pasahe.

Mahigpit anya ang koordinasyon nila sa National Economic and Development Authority (NEDA) sa bagay na ito dahil ang transport cost ay may epekto sa inflation kaya maingat na pinag-aaralan ang anumang adjustment.

Sa kasalukuyan, ang minimum na pamasahe ay P13 para sa tradisyonal na jeepney at P15 para sa modernong jeepney. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *