Ilang baybaying dagat sa bansa positibo sa nakalalasong red tide
Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resoirces, positibo sa red tide ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte.
Bawal kainin ang shellfish lalo na ang alamang sa mga nabanggit na lugar.
Maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango pero dapat hugasan at lutuing mabuti, tanggalin ang hasang at kaliskis. (Chona Yu)