Pagbangon ng Pilipinas sa pandemya ng COVID-19 ibinida ni Pang, Marcos sa idinaos na Vin D’ Honneur sa Malakanyang
Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakabangon na ang Pilipinas sa pandemya sa COVID-19.
Katunayan, sinabi ni Pangulong Marcos na muli nang sumigla ang ekonomiya at pagnenegosyo ng bansa.
Ayon sa pangulo, hindi lamang ang COVID-19 ang nagpabagsak sa ekonomiya kundi maging ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine pati na sa Middle East.
Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga miyembro ng diplomatic corps na makipagtulungan para makamit ang mga mithiin ng administrasyon.
“These, we hope to address in support of various partners and stakeholders. I continue to enjoin the diplomatic corps to work closely with us in identifying areas where we can pursue joint and collective endeavors and initiatives,” sabi ni Pangulong Marcos sa annual Vin D’ Honneur sa Palasyo ng Malakanyang.
Handa rin si Pangulong Marcos na pag-usapan ang mga isyu ukol sa kahirapan, food security, peace and order, health, jobs, at livelihood.
“It is with confidence that I announce that the Philippines has… I could say [has] gotten back [on] its feet from the reeling effect of the pandemic and the subsequent shocks that we have suffered from the Ukraine war and now from the conflict in the Middle East,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bilang patunay, sinabi ni Pangulong Marcos na nakamit ng administrasyon ang catch-up spending pati na ang growth rate na 6 hanggang 7 porsyento noong 2023.
Natugunan din aniya ang overall inflation na 3.9 porsyento noong Disyembre at naibaba ang unemployment rate sa 3.6 porsyento noong Nobyembre.
“The Philippines is touted to become one of the fastest-growing economies among major Asian countries in 2023 as forecasted by multilateral organizations such as the ADB (Asian Development Bank), the ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office, World Bank and the International Monetary Fund (IMF),” pahayag ni Pangulong Marcos. (Chona Yu)