Pamahalaan ng Indonesia nakaantabay sa magiging hatol ng korte sa Pilipinas sa kaso ni Mary Jane Veloso

Pamahalaan ng Indonesia nakaantabay sa magiging hatol ng korte sa Pilipinas sa kaso ni Mary Jane Veloso

Hinihintay na lamang ng Indonesia ang hatol ng korte sa Pilipinas bago aksyunan ang kasong illegal drugs na kinakaharap ng Pinay na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay Presidential Communications Office Sectetary Cheloy Garafil, ginawa ni Indonesian President Joko Widodo ang pahayag nang makausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tatlong araw na official visit sa bansa.

Nahaharap sa parusang kamatayan si Veloso sa Indonesia matapos makumpiskahan ng illegal na droga.

Ayon kay Garafil, pinakinggan ni Widodo ang apela ni Pangulong Marcos na suriing muli ang kaso ni Veloso.

“Yes, with the decision of the Indonesian government to look into the case filed by Mary Jane Veloso in the Philippines,” pahayag ni Garafil.

“In fact, the Indonesian government is waiting for the decision of the Philippine court on the case she filed,” dagdag ni Garafil.

Taong 2010 nang mahuli si Veloso sa Yogyakarta na may dalang 2.6 kilo ng heroin.

Pero itinanggi ito ni Veloso at sinabing ipinadala lamang ng kaniyang recruiter na si Kristina Sergio ang kargamento.

Abril 2015 nakatakda sanang i-firing squad si Veloso pero hindi natuloy para mabigyan ng pagkakataon na maging saksi sa human trafficking case na isinampa sa kanyang recruiter. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *