48 kilos ng plastic waste nakulekta sa katubigan ng Sarangani
Umabot sa 48 kilo ng plastic waste ang nakulekta ng SCUBAsurero team ng Sarangani Bay Protected Seascape (SBPS) sa isinagawang cleanup drive sa katubigan ng Maasim sa Sarangani Province.
Sinisid ng team ang 500-meter radius ng katubigan sa Barangay Tinoto bilang pakikiisa sa paggunita ng National Zero Waste Month.
Ang inisyatiba ay sa pangunguna ng DENR Region 12.
Ayon sa DENR, dapat maging proactive ang mga komunidad para maiwasan ang pagtatapon ng plastics at iba pang mga basura sa karagatan. (DDC)