Libreng mga kurso alok sa iskolar ng Las Piñas para sa 2nd semester sa DFCAMCLP
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga iskolar ng bayan na mag-enroll na sa mga handog na libreng kurso ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas (DFCAMCLP) bago ang huling araw ng enrollment bukas, January 12, mula alas-8:00 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magsisimula ang ikalawang semester sa January 22 para sa mga sumusunod na kurso:
1. BS Accountancy
2. BS Business Administration Major in Financial Management
3. BS Business Administration Major in Marketing Management
4. BS Business Administration Major in Human Resource Management
Nabatid noong panahon ni dating Mayor Vergel “Nene” Aguilar sinimulan ang libreng college education program at pinaigting ang naturang programa sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda “Mel” Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, para sa kabataang Las Piñeros. (Bhelle Gamboa)