177 na pulis sa Metro Manila sinampahan ng kasong may kaugnayan sa ilegal na droga
Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na umabot sa 177 na NCR police officers ang sinampahan ng kaso kaugnay sa mga paglabag sa iligal na droga.
Ito aniya ay bilang bahagi sa mga hakbang ng pagpapalakas ng transparency at accountability sa pagsasagawa ng mga operasyon ng otoridad sa kabila ng mga alegasyon na sangkot umano ang mga pulis sa mga iligal na aktibidad sa gitna ng maigting na anti-illegal drugs campaign ng gobyerno, nais siguruhin sa komunidad na ang NCRPO ay ginagawa ang lahat ng hakbang na tugunan ang mga sangkot na police officers.
Pangunahing hakbang din aniya ito sa kasalukuyang ginagawa ng Philippine National Police, partikular ng NCRPO na habulin at papanagutin ang mga tiwali at kriminal.
“We guarantee that these police officers are held accountable for their actions, dismissed from the service, and prosecuted to the fullest extent of the law,” ani MGen Nartatez.
Ayon pa sa NCRPO chief, tinawag niyang mga traydor ang mga ito sa pagtitiwala ng publiko at nagpahina sa integridad ng PNP.
Hindi umano kukunsintihin ni Nartatez ang ganitong pag-uugali sa mga nasa ranggo ng PNP lalo na’t ipinangako ang paglilinis sa kanilang hanay sa pulisya at maibalik muli ang tiwala ng publiko para sa mga tagapagpatupad ng ating batas.
Magpapatupad ang NCRPO ng mga bagonv polisiya at pamamaraan upang mapjgilan ang ganitong mga pangyayari sa hinaharap.
” We know that we have a lot of work to do to rebuild trust in our community, but we are committed to doing what it takes to gain the public’s confidence and to make our communities safer,” sabi ng NCRPO chief. (Bhelle Gamboa)