6.5M na deboto lumahok sa mapayapang Traslacion 2024
Umabot sa 6,500,000 na mga deboto ang naitalang nakibahagi sa pinakamabilis at pinakaligtas na Traslacion na tumagal ng 14 na oras,59 na minuto at sampung segundo na nagtapos ng payapa sa kabuuan ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng serye ng inter-agency coordination meetings, maayos at epektibong contingency planning,malapit na kolaborasyon ng lokal,implementasyon ng security deployment na isinagawa ng NCRPO sa pamumuno ni Regional Director,Major General Jose Melecio C. Nartatez Jr. kasama ang Non- Government Agencies (NGAs), Local Government Unit (LGU) ng Manila, Quiapo Church Admins at prominent leaders, religious groups, at volunteer groups kung kaya naging payapa at organisado ang relihiyosong prusisyon na walang nangyaring anumang mga insidente.
Ang pinakahihintay na Traslacion ay naging mabilis at walang anumang putol matapos ang tatlong taon na walang aktuwal na prusisyon dahil sa pandemya at libre na mula sa health restrictions.
Nagmartsa sa tabi ng “Andas” ang malaking bilang ng mga deboto at manonood galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa magmula alas-4:45 ng madaling araw hanggang 7:44 ng gabi nitong January 09, 2024 kung saan tinatayang 6.5-milyong indibiduwal ang aktuwal na dumalo sa Traslacion.
Nakamit ang tagumpay nitk sa pamamagitan din ng iatriktong implementasyon ng protocols at pagkontrol sa mga tao na ginawa ng 18,000 uniformed personnel mula sa NCRPO at ibang PNP Units katuwang ang mahigit 4,000 na tauhan mula sa iba pang ahensiya,LGUs, medical teams, at peacekeeping partners na dineploy sa Quirino Grandstand, Procession Route, at Quiapo Church.
Bukod sa traffic rerouting plans, pinaigting pa ang road clearing operations na nagresulta ng maayos na daloy ng prusisyon,mabilis na galaw ng “Andas” at madaling pamamahala ng pagdagsa ng mga deboto.
Binigyang importansiya din ang pangakong kaligtasan sa bagong gawang disenyo ng “Andas” para sa safety measures.
Ang epektibo at episyenteng pagbibigay ng wastong impormasyon sa komunidad ay sa tulong ng mga Quad Media Information Dissemination channels, upabg ihatid ang mahahalagang guidelines at mapagbuti ang kamalayan ukol sa puwede at hindi pwedeng gawin at mga ipinagbabawal na gamit sa panahon ng aktibidad.
Personal pang bumisita si Secretary of Interior and Local Government (SILG), Atty. Benjamin Abalos Jr. sa mga sites at pinangunahan ang pag-inspeksiyon kasama sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, PNP Chief General Benjamin Acorda Jr at ng NCRPO chief bago ang nasabing prusisyon.
“The success of the feast was the result of the untiring efforts of the committee on security, peace, and order, and the cooperation of the devotees. To not compromise their health conditions, minors, senior citizens, pregnant women, and PWD attendees opted alternative expressions of devotion,” ayon kay MGen Nartatez.
Nagpasalamat ang NCRPO Chief sa mga PNP personnel mula sa NCRPO, Support Units, at iba pang Police Regional Offices para sa kanilang matatag at epesyenteng pagbibigay seguridad hindi lamang sa kasagsagan ng malawakang 15-oras na Traslacion kundi sa mga araw ng mabusising paghahanda.
Ginarantiya rin nito ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa lahat ng personnel na gumanap ng mahalagang tungkulin sa Traslacion.
“We express our sincerest gratitude to the support and guidance of the Secretary of Interior and Local Government (SILG), Atty. BENJAMIN ABALOS, JR., our Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA, JR, the City Mayor of Manila, Honorable Honey Lacuna-Pangan, and Cardinal Jose Advincula for entrusting us with this endeavor. We have proven our organizational capability to protect the public against lawless elements and any threat of extremism through our swift and effective contingency planning, extensive preparation, inter-agency coordination and execution of security deployment,” sabi ni MGen Nartatez.
“I would like to acknowledge our sleepless policemen on the ground who painstakingly secured the venue and also to the religious members of the Catholic Church, volunteers, and allied peacekeeping agencies for a peaceful and organized religious procession with no untoward incidents recorded,” idinagdag pa nito. (Bhelle Gamboa)