Company ID hindi na tatanggapin bilang proof of identification sa voter registration
Hindi na tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang company ID para sa sa voter registration.
Ayon kay Comelec Chairman George erwin Garcia, maglalabas ang poll body ng amended guidelines para sa pagpaparehistro.
Kabilang sa lalamanin ng guidelines ang tungkol sa mga tatanggaping valid ID kapag magpaparehistro upang makaboto.
Sinabi ni Garcia na valid government-issued ID na lamang ang tatanggapin sa voter registration.
Samantala, inanunsyo din ni Garcia na ipatutupad na sa buong bansa ang Register Anywhere Program o RAP. (DDC)