Cholera outbreak sa Baguio City iniimbestigahan na ng DOH

Cholera outbreak sa Baguio City iniimbestigahan na ng DOH

Gumagawa na ng hakbang ang Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau (EB) at Center for Health Development Cordillera Administrative Region (CHD CAR) para ma-kontrol ang diarrhea outbreak sa lungsod.

Noong Miyerkules, Jan. 10 nagdeklara na ng outbreak si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon sa Baguio City Health Office, nagsimulang tumaas ang kaso ng diarrhea sa lungsod noong December 21, 2023.

Simula Dec. 21 hanggang Jan. 7, umabot na sa 308 na kaso ng diarrhea ang naitala sa Baguio City at ang mga tinamaan ng sakit ay edad 3 months hanggang 92.

Wala pa namang naitatalang nasawi.

Habang hinihintay pa ang resulta ng nagpapatuloy na epidemiologic investigation, ang mga residente sa mga apektadong lugar ay sinusuplayan muna ng malinis na potable water.

Nagpapatuloy na ang water testing sa lungsod ayon sa DOH.

Pinayuhan din ang mga residente na magpakulo ng tubig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *