PCG matagumpay na nakapagsagawa ng RORE mission sa mga isla sa West PH Sea
Matagumpay na rotation and resupply (RORE) mission sa West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Sindangan (MRRV-4407) simula Jan. 3 hanggang Jan. 9, 2024.
Nakadaong ang nasabing mga barko ng Coast Guard sa Port of Buliluyan sa Bataraza, Palawan matapos makapaghatid ng suplay sa mga Coast Guard personnel na nakadeploy sa Kalayaan Island Group (KIG) partikular sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Island.
Ayon kay Coast Guard spokesperson Armand Balilo, may nakabantay na barko ng Chinese Coast Guard habang isinasagawa ng RoRe Mission.
Gayunman, maliwan sa “shadowing” ay wala namang ginawang mapaghamon na hakbang ang mga barko ng China.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ngayong taon ay sasailalim sa pagsasaayos ang mga pasilidad ng Coast Guard sa nasabing mga isla. (DDC)