See-thru fences at orange barriers na ginamit sa “Pahalik” sa Itim na Nazareno inalis na
Tinanggal na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga see through fences at orange barriers na ginamit sa ‘Pagpupugay’ o ‘Pahalik’ sa imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon sa MMDA ang mga inilagay na bakod at harang ay nagsilbing barikada para sa maayos na pila ng mga deboto na nagpunta sa lugar.
Tuloy-tuloy rin ang ginagawang paglilinis ng mga kawani ng MMDA sa mga lugar kung saan ginawa ang iba’t ibang aktibidad para sa pista ng Itim na Nazareno. (Bhelle Gamboa)