Mga katutubong apektado ng Kaliwa Dam project nanawagan ng dayalogo sa pamahalaan

Mga katutubong apektado ng Kaliwa Dam project nanawagan ng dayalogo sa pamahalaan

Nanawagan ang grupong Bayanihan Para sa Kalikasan Movement Inc. sa pamahalaan na magpatawag ng dayalogo para sa mga katutubo na maaapektuhan ng Kaliwa Dam project.

Sa panayam sa Radyo Pilipino, sinabi ni David D’Angelo Environmental activist, at Presidente at Bayanihan Para sa Kalikasan Movement Inc., partkular na maapektuhan ang mga katutubong Dumagat na naninirahan sa lugar na pagtatayuan ng proyekto.

Sa ngayon sinabi ni D’Angelo na patuloy ang paggawa ng tunnel para sa Kaliwa Dam project na ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay target na matapos sa taong 2027.

Sinabi ni D’Angelo na magtatayo ng mahigit 60 metro na taas ng dam at ilang barangay na sakop ng ancestral domain ng mga Dumagat ang malulubog dahil dito.

Maliban dito, dahil sa pagbutas sa Sierra Madre ay masisira ang integridad ng buntok.

Aniya ilang ulit ng humiing ng dayalogo ang mga katutubong Dumagat subalit walang humarap sa kanila mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mula sa MWSS.

Naniniwala ang grupo na bilang pangulo ng bansa, nasa kamay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapahinto sa naturang proyekto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *