4 pamilyang nasunugan inayudahan ng Taguig LGU
Agad nirespondehan ng Taguig City Rescue at Bureau of Fire Protection ang nangyaring sunog sa West Pili Avenue, Barangay West Rembo nitong January 8 ng gabi.
Binisita ni Mayor Lani Cayetano ang 18 na indibiduwal mula sa 4 na pamilya na naapektuhan ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall.
Ang mga apektadong residente ay agad binigyan ng Taguig Social Welfare and Development Office ng paunang tulong.
Pinapaalalahan ng lokal na pamahalaan ang lahat na sundin ang mga hakbang sa kaligtasan mula sa sunog tulad ng pagtanggal ng saksakan ng mga appliances, pagpatay ng gas o electric stoves, at pagpatay ng kandila bago umalis ng bahay.
Kung may emergency, tumawag agad sa mga numerong ito:
Command Center
(02) 8789-3200
Taguig Rescue
0919-070-3112
Taguig PNP
(02) 8642-3582
0998-598-7932
Taguig BFP
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919 (Bhelle Gamboa)