Andas para sa 2024 Traslacion ng Itim na Nazareno ginawa sa Las Piñas

Andas para sa 2024 Traslacion ng Itim na Nazareno ginawa sa Las Piñas

Muling pinagkatiwala sa ipinagmamalaki ng Las Piñas City na SARAO MOTORS ang paglikha ng bagong andas na ginawang bullet proof at mas makikita ng mga deboto ang poong Nuestro Padre Jesus Nazareno dahil nilagyan ito ng ilaw sa loob ng andas para sa isinasagawang Traslacion 2024.

Ngayong taon ang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno ay may temang “Ibig naming makita si Hesus”.

Unang naglunsad ng patimpalak ang pamunuan ng Quiapo Church para sa bagong disenyo ng andas kung saan mas makikita ang poon ng mga libu-libong deboto ngayong traslacion kung saan nakuhang muli ng Sarao Motors ang paggawa ng naturang andas.

Nabatid na ang Sarao Motors ang gumawa rin ng mga naunang andas na ginamit mula taong 2010 hanggang 2020.

Ang kasaysayan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ay nagsimula noong taong 1606 matapos dalhin ang poon sa Maynila mula sa Mexico.

Binigyang pagkilala naman ang debosyon sa mahal na poon taong 1620 ni Pope Innocent X.

Inatasan naman ni Manila Archbishop Basilio Sancho de Santa Justa na magkaroon ng Traslacion at ilagak ang “Nazareno ng Mahihirap” sa simbahan ni San Juan Bautista na mas kilala ngayong Quiapo Church.

Inaasahang aabot sa mahigit dalawang milyong deboto ang makikiisa sa selebrasyon ng Traslacion matapos matigil ito ng tatlong taon dahil sa pandemya.

Kaisa ang Pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Las Piñas City Mayor Mel Aguilar at ng Las Piñas City Tourism and Cultural Office sa pamumuno ni City Tourism Head Paul Ahljay San Miguel sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *