PSA nakapagtala ng 1.8 million na Pinoy na walang trabaho noong Nov. 2023

PSA nakapagtala ng 1.8 million na Pinoy na walang trabaho noong Nov. 2023

Bumaba pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Nov. 2023 batay sa resulta ng Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nakapagtala ng 1.83 million na unemployed individuals na mas mababa mula sa 2.09 million noong October.

Katumbas ito ng 3.6 percent na unemployment rate base sa 51.47 million na nasa labor force.

Mas mababa din ito kumpara sa 4.2 percent na unemployment rate na naitala noong Nov. 2022.

Ayon sa PSA, naitala ang 96.4 percent na employment rate noong Nov. 2023, na mas mataas kumpara sa 95.8 percent na employment rate noong Nov. 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *