SSS nagbabala sa publiko sa mga mensahe na nag-aalok ng regalo o papremyo

SSS nagbabala sa publiko sa mga mensahe na nag-aalok ng regalo o papremyo

Inabisuhan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro at pensioners nito na huwag magpaloko sa mga alok na pa-premyo o regalo.

Ayon sa SSS, wala itong alok na papremyo o hindi namimigal ng pera o regalo para sa kanilang mga miyembro at benepisyaryo.

Paalala ng SSS, huwag maniwala sa mga balita, post o private messages, sa social media na nagsasabing sila ay nanalo sa raffle draw.

Hindi rin totoo ang mga mensahe na may oportunindad na mabigyan ng cash o regalo mula sa SSS kapalit ng pag-click sa binigay na link.

Ayon sa SSS, ito ay isang paraan ng panloloko upang makuha ang personal na datos.

Paalala ng SSS, huwag ng ipakalat ang mga ganitong mensahe. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *