175K dumalo sa high mass para sa Black Nazarene sa Quirino Grandstand
Umabot sa 175,000 na katao ang dumalo sa idinaos na high mass para sa pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ang misa ay pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.
Dumalo din sa high mass si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at iba pang opisyal.
Bago mag-5:00 ng umaga ng pormal na umusad ang andas ng Itim na Nazareno para sa ganap na pagsisimula ng Traslacion.
Kaiba sa mga nakalipas na Traslacion, ang imahen ng Itim na Nazareno ay nasa loob ng tempered glass case.
Bawal itong akyatin o bawal ang pagsampa ng mga deboto sa andas.
Dahil sa bagong polisiyang ito sinabi ni Mayor Lacuna-Pangan na mas mabilis ngayon ang usad ng andas kumpara sa mga nagdaang Traslacion. (DDC)