P1M na halaga ng undocumented Narra wood nakumpiska sa Nueva Vizcaya
Aabot sa P1 milyong halaga ng undocumented Narra wood na lulan ng isang elf truck ang nakumpiska ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police sa checkpoint sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Ayon sa DENR, sakay ng truck ang 110 na piraso ng Narra flitches na itinago sa likod ng mga saging.
Inaresto ng mga otoridad ang pahinante ng truck na nakilala sa alyas na Sam at residente ng Quirino Province.
Habang ang driver na si alyas Tamtam ay tumakas at pinaghahanap pa ng pulisya.
Dinala sa DENR sa Nueva Vizcaya ang mga nakumpiskang kahoy.
Habang ang suspek ay hawak ng Santa Fe Police Station habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kaniya na may kaugnayan sa paglabag sa forestry laws. (DDC)