Mga deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno hinimok ni Pang. Marcos na maging instrumento sa pagtataguyod sa kapayapaan, pagkakaisa at awa sa kapwa
Mga deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno hinimok ni Pang. Marcos na maging instrumento sa pagtataguyod sa kapayapaan, pagkakaisa at awa sa kapwa
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mananampalataya na gamitin ang pista ng Itim na Nazareno para palakasin pa ang pananampalataya sa Diyos.
Ayon sa pangulo, dapat madiskubre ng mga mananampalataya ang inner strength at magkaroon ng bagong pag-asa.
“Beyond the extraordinary expressions of reverence that we see on display during this event, the festivities show us the love and sacrifice of Jesus Christ who willingly offered Himself to make us whole once more,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, isang malaking selebrasyon ang pista ng Itim na Nazareno dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos sa tao.
“By working through our struggles and difficulties, we discover our inner strength and resolve, emerging from the pits of darkness and despair with a renewed sense of hope and purpose,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hinimok din ng pangulo ang mga mananampalataya na palalimin pa ang koneksyon sa Diyos at maging instrumento sa pagtataguyod sa Kapayapaan, pagkakaisa at awa sa kapwa Filipino at sa bayan. (Chona Yu)