Pagpasok sa business ventures ng lahat ng prison and penal farms sa bansa panawagan ng BuCor chief

Pagpasok sa business ventures ng lahat ng prison and penal farms sa bansa panawagan ng BuCor chief

Nanawagan si Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang sa lahat ng nag-ooperate na prison and penal farms sa bansa na pumasok sa negosyo kasama ang pribadong sektor upang malaman ang kanyang mahalagang balakin, mapanatili at respetado bilang bahagi ng “Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas” program.

Binanggit nito ang kaso ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF) at ng Tagum Agricultural Development Company, Incorporated (TADECO), ang kumpanyang may hawak sa produksiyon at export ng sariwang Cavendish bananas (saging) sa Japan, Korea, Middle East, Hong Kong, China, Russia, Malaysia, New Zealand at Singapore na mayroong average production na 5,000 na kahon kada ektarya sa bawat taon.

Ang BuCor, ayon kay Catapang ay kumikita ng P20M hanggang P22M kada buwan dahil sa pagpaparenta sa mga lupa nito kasama na ang garantiyang taunang produksiyon na bahagi kung saan itinatanim ang mga saging.

Nabatid na kumikita rin ang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa TADECO dahil kinuha sila bilang taga-pack ng mga naaning saging.

Nasa kabuuang 8,445.13 na ektarya ng lupa ang DPPF kung saan higit 5,000 rito ang inupahan ng TADECO.

Ang Iwahig Prison and Penal Farm ( IPPF) sa Palawan ay inaasahang kikita na rin mula sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) program na nakalinya sa food security program ng gobyerno ayon pa sa pahayag ni Catapang.

Maliban mula sa RISE program na gagamit ng 500 na ektarta buhat sa 28,326.41 ektaryang lupa,tinitignan ngayon ang IPPF bilang kauna-unahang mega economic zone na makakahikayat ng big-ticket investments dahil may sarili itong kuryente, suplay ng tubig at pantalan.

Ibinunyag pa ng opisyal na ang San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City na ipinabatid sa kanya ni Supt. Vic Domingo Suyat na mayroong kasalukuyang negosasyon sa posibleng pagpaparenta ng 15 na ektarya buhat sa 664.71 ektaryang lupa ng SRPPF para sa solar project at tulad ng Iwahig, 60 na ektarya nito ang naconvert sa economic zone ng foreign investments.

Napag-alaman pa kay Catapang na ang BuCor ay may kabuuang 48,783.31 ektaryang lupa na ginawang agro and acqua-culture sites at economic zones na hindi lamang tulong sa pagkamit ng seguridad sa pagkain ng bansa at sapat na supply nito kundi ayuda sa pagpapalago ng ekonomiya.

Aniya isa itong welcome development at mabuti sa BuCor gayundin lalong mahalaga sa katatagan ng bansa at rerespetuhin na rin ang PDLs dahil sa kanilang ambag sa komunidad na bahagi ng kanilang repormasyon at rehabilitasyon.

“Imagine kung lahat ng OPPF namin ay may income, baka dumating ang panahon na hindi na kami hihingi ng budget sa gobyerno at kami pa ang mag bibigay. Sa lawak ng lupain ng BuCor di malayong mangyari yan,” ani Catapang.

Idinagdag ni Catapang na isa ito sa mga rason kung kaya nais nilang madaliin ang pagpapatitulo sa lahat ng properties ng BuCor sa buong bansa dahil gagamitin itong legal na instrumento sa pakikipag-ugnay sa mga mamumuhunan o investors at iba pang stakeholders. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *