Pagpapalabas sa mga sinehan ng mga pelikulang kalahok sa MMFF pinalawig pa

Pagpapalabas sa mga sinehan ng mga pelikulang kalahok sa MMFF pinalawig pa

Extended ang pagpapalabas sa mga sinehan ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMDA Acting Chairman at MMFF Overall Concurrent Chairman Atty. Don Artes, ito ay bilang tugon sa kahilingan ng publiko.

Noong Linggo, Jan. 7 dapat ang huling araw sa mga sinehan ng 10 pelikula na kalahok sa MMFF.

Dahil sa pagtangkilik ng publiko ay mapapanood ng isang linggo pa ang mga pelikula.

Extended din ang bisa ng MMFF complimentary passes hanggang sa January 14.

Kinumpirma din ni Artes na ang 49th MMFF ay kumita na ng 1 billion.

Inaasahan aniya na mas tataas pa ito dahil sa pagpapalawig ng pagpapalabas ng mga pelikula.

Ang sampung pelikula ay nakatakda ring mapanood sa inagurasyon ng Manila International Film Festival (MIFFF) sa January 29 hanggang February 2, 2024 sa Los Angeles, California.

Ang kinita ng MMFF ay mapupunta sa mga beneficiaries sa film industry, gaya na lamang ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *