20,000 sako ng bigas na donasyon ng Taiwan natanggap na ng DSWD

20,000 sako ng bigas na donasyon ng Taiwan natanggap na ng DSWD

Natanggap na ng Department of Social and Welfare and Development (DSWD) 20,000 sako ng bigas na donasyon ng Taiwan.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO)Chairman Silvestre Bello III ang mga donasyong bigas ay gagamitin para maipamahagi sa mga nangangailangang pamilya at sa mga biktima ng kalamidad.

Ang nasabing donasyong mga bigas ay tinanggap ni Bello mula kay Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) head wallace Minn-Gan Chow sa isang turnover ceremony noong nakaraang linggo.

Ayon kay Chow sa susunod na mga araw ay mayroon pang ipadadalang 20,000 sako pa ng bigas sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Bello sa Taiwan sa ibinigay na donasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *