25 trucks na basura nakolekta ng MMDA sa Metro Manila

25 trucks na basura nakolekta ng MMDA sa Metro Manila

Nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kabuuang 25.52 na trak na puno ng mga basura sa buong Metro Manila bilang bahagi ng ahensiya sa inter-agency cleanup drive KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bukod sa sinimulang seremonya sa Baseco Compound sa Tondo, Manila, nagsagawa ang MMDA ng 16 pang cleanup drives sa iba’t ibang lugar sa bawat lungsod sa Metro Mabila kung saan nasa kabuuang 350 na tauhan nito ang dineploy sa aktibidad.

Kabilang sa mga lugar na tuluy-tuloy ang cleanup drives sa Barangay Tanza (Tanza Marine Tree Park) sa Navotas City; Barangay Tonsuya (Letre Creek) sa Malabon City; Barangay Paso de Blas (De Castro Subdivision) sa Valenzuela City; Brgy 28, 14 (C-3 Road) at 12 Lapu-lapu Creek sa Caloocan City; Brgy. Commonwealth at Brgy. Talipapa sa Quezon City; Brgy.Batis sa San Juan City; Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City; Brgy. Tumana at Brgy. Malanday (Creek) in Marikina City; Brgy. Pinagbuhatan (Avesa Creek) sa Pasig City; Brgy. San Pedro sa Pateros; Brgy. Ususan Kalayaan sa Taguig City; Brgy. San Isidro (Tripa de Gallina site) in Makati City; Brgy. 145- 190/Sto. Niño, Don Carlos (Tripa de Gallina) sa Pasay City; Brgy. Tramo (Redemptorist Channel) sa Parañaque City; Brgy. Poblacion (Biazon Rd.) Sa Muntinlupa City; Brgy. Pulang Lupa Uno at Brgy. Manuyo Dos sa Las Piñas City.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang programa ay malaking pagpapalakas sa solid waste management initiatives ng ahensiya.

“The Kalinisan sa Bagong Pilipinas is in sync with our constant call to the public to do their part in lessening, if not eliminating, our wastes. We join the call of DILG to renew and strengthen community participation in our fight against indiscriminate solid waste disposal. Taking care of our environment is our shared responsibility,” ani Artes.

Kasabay ng pagdiriwang ng taunang Community Development Day, ang KALINISAN program ay inisyatibong pinagsama-sama ang lahat ng hakbang ng gobyerno upang panatilihin at bigyang malusog at lugtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pag-aksyon ng local government units at paglahok ng komunidad na naka-ankla sa “bayanihan”.

Ang ibisyatibo ay nakalinya sa konsepto ng Bagong Pilipinas sa paglikha ng mas maaos at lalong malinis na mga komunidad.

Layunin nitong iangat ang kamalayan at hikayatin ang paglahok ng publiko na maging responsable sa kanyang paligid sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa basura; hikayatin ang LGUs na mamuhunan ng mga programa,proyekto at aktibidad ukol sa solid waste management at ecological practices, at magtakda ng recognition system para sa pinakamalinis na barangay at mga munisipalidad.

Ang cleanup drive ay pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos at dinaluhan ng mga opisyal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, at Philippine National Police. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *