Halos 300,000 kilos ng recyclabe materials nakolekta ng MMDA
Dalawang taon matapos magsimulang umarangkada noong 2021, umabot na sa halos 300,000 kilo ang nakolektang recyclables ng mobile materials recovery facility (MRF) ng Metropolita Manila Development Authority (MMDA).
Umiikot ang pasilidad na ito sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila para mangalap ng mga nareresiklo sa mga residente na may katumbas na kaukulang puntos.
Ayon sa MMDA ang bawat points ay maaari namang ipalit sa mga grocery items.
Umabot na sa higit P1.3 milyon ang halaga ng mga grocery items na naipalit na sa recyclable materials.
Ang MMRF at programang Recyclables Mo, Palit Grocery Ko ay inisyatiba sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project kung saan kabilang ang MMDA.
Layunin ng naturang proyekto na mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila. (Bhelle Gamboa)