COVID-19 positivity rate sa CamSur, ‘very high’ ayon sa OCTA Research
“Very high” ang COVID-19 positivity rate na naitala sa Camarines Sur sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa datos ng OCTA Research, naitala ang 59.4 percent na positivity rate ng COVID-19 sa nasabing lalawigan as of Dec. 30, 2023.
Pawang nasa “high” naman ang positivity rate ng COVID-19 sa Bataan (27.2 percent), Benguet (24 percent), Cavite (29.7 percent), Isabela (28.2 percent), Laguna (26.2 percent), Oriental Mindoro (27.1 percent), Pampanga (33.2 percent), at Tarlac (27.1 percent).
Bagaman nasa “high” pa din ang positivity rate sa Quezon, ay bahagya naman itong bumaba mula sa 26.3 percent patungo sa 21.6 percent. (DDC)