COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba na sa 19.9 percent
Bumaba na ang naitalang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 24.7 percent Dec. 26, 2023 ay bumaba na sa 19.9 percent ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila noong Jan. 2, 2024.
Una ng sinabi ng OCTA Research na ang peak ng COVID-19 positivity rate sa NCR ay maaaring noong huling linggo ng Disyembre.
Noong Jan. 4 ay nakapagtala ng 459 na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. (DDC)