DOH nakapagtala ng 1 pang nasawi dahil sa paputok; kumpirmadong kaso ng stray bullet injuries nadagdagan ng 4

DOH nakapagtala ng 1 pang nasawi dahil sa paputok; kumpirmadong kaso ng stray bullet injuries nadagdagan ng 4

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng naitalang nasawi dahil sa paputok.

Ayon sa Department of health (DOH), isang 44 anyos na lalaki mula sa Ilocos Region ang pumanaw.

Ang nasabing lalaki ay biktima din ng pagsabog matapos na mayroong magsindi ng sigarilyo malapit sa lugar kung saan may mga nakatagong paputok.

Samantala, nakapagtala ang DOH ng apat pang kumpirmadong kaso ng Stray Bullet Injuries (SBIs), at labingisang kaso ng fireworks related injuries.

Sa kabuuan, umabot na sa 600 ang kabuuang kaso ng fireworks related injuries na naitala ng DOH.

Sa nasabing bilang, 592 ang dahil sa paputok, 1 ang kaso ng Watusi ingestion, at 7 ang stray bullet injuries.

Dalawa na ang nasaw habang mayroon pang 53 ang nagpapagaling sa ospital. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *