Mga lalahok sa Traslacion 2024 pinayuhan ng DOH na magsuot ng face mask; pinaiiwas din sa paghawak at paghalik sa mga imahen

Mga lalahok sa Traslacion 2024 pinayuhan ng DOH na magsuot ng face mask; pinaiiwas din sa paghawak at paghalik sa mga imahen

Naglabas ng paalala ang Department of Health (DOH) sa mga deboto na lalahok sa Traslacion 2024.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat at pairalin ang safety measures sa pakikiisa sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at pagtitiyak na mayroong maayos na airflow.

Hangga’t maaari ayon sa DOH ay sa bahay na lamang gunitain ang aktibidad dahil mas mataas ang banta sa kalusugan kapag sobrang daming tao ang magtitipon-tipon.

Pinayuhan din ng DOH ang mga deboto na iwasan ang humawak at humalik sa mga imahen dahil maaari itong pagmulan ng paghahawaan ng mga sakit.

Para sa mga dadalo sa Traslacion, sinabi ng DOH na dapat magdala at uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.

Dapat ding iwasan ang sobrang tagal na pagkakalantad sa init ng araw para makaiwas sa heat stroke. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *